Home METRO 4,000 QC Pulis ipakakalat, bilang paghahanda sa Undas

4,000 QC Pulis ipakakalat, bilang paghahanda sa Undas

3
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Quezon City Police District Acting District Director Police Brigadier General Christopher Olazo na 4,000 Quezon City police ang ipapakalat sa mga pangunahing lugar ng lungsod upang matiyak ang seguridad ng publiko na bibiyahe at magtutungo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay bilang paggunita sa Undas 2026.

Ayon kay Gen. Olazo bukod sa mga tauhan ng QC pulis na magbabantay sa seguridad ng publiko kasama ng mga kapulisan ang local government units at sa kabilang ang mga tauhan ng DPOS at mga barangay.

Kabilang sa mga public cemetery na inaasahang dadagsain ng publiko sa Quezon City ay ang Bagbag Public Cemetery, Novaliches Public Cemetery, at Baesa Columbary, habang tatlo pang sementeryo ang tutukan ng mga pulis at 16 na coliumbariums upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga bibisita ngayong Undas o All Saints Day.

Tiniyak din ni Gen. Olazo na may mga itinalagang pulis at mobile sa mga sementeryo at columbaryo para magbantay sa mga dadalaw sa kanilang mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ng QCPD director nakapuwesto na rin sa mga estasyon at pampublikong terminal ng transportasyon ang kapulisan at police dogs (K 9) para sa mga residente sa Metro Manila na luluwas sa mga probinsya.

Sa ginanap na QC Journalist Forum kanina Oktubre 20 (Martes) tiniyak ni Gen. Olazon na handa na ang safety at emergency personnel ng LGU at kapulisan ng lungsod upang siguraduhin ang kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan para sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day.

“Meron tayong 4,000 QC pulis ang ipapakalat sa mga pangunahing lugar kabilang na ang mga bus terminal upang matiyak ang seguridad ng mga biyahero at publiko” sabi pa ni Gen. Olazo.

Nagpaalala din ang director ng QCPD sa publiko na bibiyahe at aalis ng kanilang mga bahay na wag magpo-post sa facebook kapag aalis ng bahay at bibiyahe upang hindi magkaroon ng idea ang mga masasamang loob.

“Iwasan po natin na mag post sa facebook kapag tayo ay aalis at bibiyahe papuntang probinsya” sabi pa ni Olazo.

Samantala sinabi naman ni Atty. Ariel Inton President ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na dapat tiyakin ng pamahalaan ang seguridad at mga biyahero na sasakay sa mga pampublikong bus at magtutungo sa kanilang mga probinsya para dalawin ang kanilang mahal sa buhay.

Sinabi pa ni Inton na isa sa nagiging problema sa panahon ng pagdagsa ng mga biyahero tuwing sumasapit ang Undas ay ang mga naglipanang mga kolurum na biyahe.

“Isa sa mga problema sa tuwing dagsa ang biyahero sa pampublikong bus ay ang mga inaantok na driver ng bus problema natin dyan ang safety ng mga pasahero” sabi pa ni Inton.

Iminungkahi din nito sa mga bus company na dapat ay may dalawang driver sa mga pampubliko bus na bumibiyahe lalo na kapag malayo ang biyahe. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here