Home ENTERTAINMENT Tito P, nasabihan ng ‘gagah’!

Tito P, nasabihan ng ‘gagah’!

1
0

Manila, Philippines – Gagah with an “h.” Ito ang ipinatikim ni Ogie Diaz kay Tito P, ang isa sa limang host ng Machong Chismisan podcast na nangutya kay Josh Aquino.

In short, na-“gagah” tuloy nang ‘di oras ang ngayo’y pinananagot na ng NBI dahil sa naging pahayag nito.

Ani Ogie sa kanyang Facebook post: “Gagah ka kasi. Saka mo lang naalala na may ADHD ka pala nu’ng nag-backlash sa iyo ‘yung kagagahan mo. Eh, ‘di lalo ka tuloy na-bash!”

Patuloy ng talent manager cum vlogger: “Ganoon talaga ang buhay. Pag gago ka, ‘di ka patatahimikin ng mga netizen.

“Nakakalokah, pati mga anak ng mga nag-podcast, ginalugad ng mga netizen!”

Pakiusap naman ni Ogie ay huwag na sanang idamay ang mga bata sa isyu–at sa halip ay magalit na lang sa host ng podcast: “”Yun na lang mga bida-bida sa podcast!”

Oo nga naman, ang atraso ng magulang ay hindi ang mga anak nito ang dapat magdusa.

Si Tito P ang may kasalanan, puwes, let him suffer the consequences of his actions!

Dasurv! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here