MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng bansa ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na itinuturong utak sa pagkawala ng ilang sabungero.
“Backdoor siya dumaan,” sabi ni Remulla sa press briefing nitong Martes.
Noong Hulyo, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na bineberipika pa nito ang mga ulat na nakalabas na ng bansa si Ang.
Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide, gayundin sa kidnapping at serious illegal detention sa mga korte sa Sta. Cruz, Laguna; Lipa, Batangas; at San Pablo, Laguna.
Hindi na siya nakikita mula pa noong Enero. RNT/MDS