Home NATIONWIDE Malakanyang: Death penalty sa major drug traffickers pag-aralan muna

Malakanyang: Death penalty sa major drug traffickers pag-aralan muna

3
0

MANILA, Philippines — Kailangan munang masusing pag-aralan ang panukalang ibalik ang death penalty para sa major drug trafficking offenses, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na wala pang posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usapin habang sinusuri pa ang posibleng epekto nito, kabilang sa international relations ng Pilipinas.

“Hindi po muna magbibigay ng anumang stance ang Pangulo. Hayaan nating aralin ito nang mas malalim,” ani Castro.

Ginawa niya ang pahayag matapos suportahan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagbabalik ng capital punishment para sa malalaking kaso ng drug trafficking.

Ayon kay Castro, kailangang isaalang-alang din ang posisyon ng ibang bansa sa death penalty at kung paano ito maaaring makaapekto sa pakikipagtulungan ng Pilipinas sa international community. Sinabi niyang hahayaan ang Department of Foreign Affairs na magpaliwanag nang mas detalyado hinggil dito.

Lumutang ang usapin kasunod ng pagkakasabat sa Laos ng 521 kilo ng hinihinalang shabu na iniulat na patungong Pilipinas at iniuugnay ng mga awtoridad sa transnational drug syndicate na Sam Gor.

Samantala, sinabi ng Palasyo na inatasan ni Marcos ang law enforcement agencies na paigtingin ang kampanya laban sa illegal drugs at habulin ang mga sangkot sa smuggling at drug trafficking.

“Malalim man ang pinaghuhugutan ng ganitong klaseng mga krimen, kailangan itong bunutin at dapat na mawala sa Pilipinas,” ani Castro. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here