Home HOME BANNER STORY PCG naka-heightened alert sa Undas; 2M sea travelers inaasahan

PCG naka-heightened alert sa Undas; 2M sea travelers inaasahan

3
0

MANILA, Philippines — Itinaas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang alert status nito para sa Undas 2026 dahil inaasahang aabot sa 1.5 milyon hanggang 2 milyong pasahero ang bibiyahe sa dagat ngayong All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Ayon kay PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, inatasan na ang lahat ng 17 Coast Guard Districts na paigtingin ang maritime safety at security operations sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2026 mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.

Noong Undas 2025, nasa 1.5 milyong pasahero ang naitala ng PCG.

Saklaw ng operasyon ang mga pangunahing pantalan, waterways, beach resorts at iba pang maritime tourist destinations na inaasahang dadagsain ng mga biyahero.

Magsasagawa rin ang PCG ng vessel safety at security inspections upang maiwasan ang overloading, kasabay ng maritime patrols laban sa mga posibleng banta sa kaligtasan ng publiko.

Inatasan din ang mga Coast Guard district na maghanda ng deployable response groups at medical teams para sa mga emergency.

Magdaragdag din ng PCG personnel sa Malasakit Help Desks ng Department of Transportation kung saan maaaring magsumbong o humingi ng tulong ang mga pasahero.

Nakikipag-ugnayan ang PCG sa Philippine Ports Authority, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Maritime Industry Authority at mga lokal na pamahalaan para sa target na zero-casualty Undas 2026.

Pinaalalahanan naman ang mga biyahero na sumunod sa maritime safety regulations at agad ireport sa mga awtoridad ang kahina-hinalang bagahe o indibidwal. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here