Home NATIONWIDE Scammers nag-ooperate na sa maliliit na bahay – Remulla

Scammers nag-ooperate na sa maliliit na bahay – Remulla

3
0

MANILA, Philippines – Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa bagong modus ng mga scam operator na gumagamit na ngayon ng maliliit na bahay bilang “micro hubs” upang makaiwas sa mga awtoridad.

Ayon kay Remulla, hindi na gaya noon na libo-libong manggagawa ang nagsasama-sama sa isang malaking gusali o compound ang operasyon ng mga scam syndicate.

“But the new trend is that they are micro hubs of 10 to 15 to 20 who stay in one house,” ani Remulla sa press briefing nitong Miyerkules.

Sinabi niyang karaniwang nasa 10 hanggang 20 katao lamang ang nasa bawat bahay na ginagamit bilang scam hub.

“It’s not like before. Before, what we had here, the industry had 5,000 people in one building. Now they rent small houses and we are after them,” dagdag niya.

Ayon sa DILG chief, karamihan sa mga tinutugis na micro scam hubs ay nasa Metro Manila.

Tatlong aktibong operasyon umano ang kasalukuyang mino-monitor ng mga awtoridad bagama’t hindi pa inilalantad ang eksaktong lokasyon ng mga ito.

Sinabi ni Remulla na kabilang sa ginagamit ng mga awtoridad sa pagtunton sa mga pinaghihinalaang scam hub ang hindi pangkaraniwang konsumo sa kuryente at internet, gayundin ang galaw ng mga taong konektado sa operasyon.

Karaniwang target umano ng mga scammer ang mga senior citizen na maaaring mawalan ng malaking bahagi ng kanilang ipon dahil sa panloloko.

“What is unfortunate is that we have to step up enforcement because the majority of the victims are senior citizens whose savings are decimated because of these hubs,” ani Remulla.

Ayon pa sa kalihim, parehong dayuhan at Pilipino ang sangkot sa mga operasyon, at may mga local partner umano ang mga foreign operators.

“We have identities of the persons and their movements,” ani Remulla.

Nauna nang nagsagawa ng malawakang operasyon ang mga awtoridad laban sa hinihinalang scam at illegal POGO operations sa Zamboanga Sibugay kung saan 244 foreign nationals, karamihan ay Chinese, ang naaresto.

Kamakailan lamang, 76 dayuhan din ang naaresto sa isang hinihinalang POGO-like operation sa Cubao, Quezon City na sinasabing sangkot sa online investment scams.

Pinaigting na rin ng DILG ang pagsusuri sa business permits at aktuwal na operasyon ng mga establisimyento upang maiwasang makapagtago ang mga ipinagbabawal na POGO at scam operations sa likod ng lehitimong negosyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here