PAMPANGA, Philippines – Sinuspinde ang klase sa Our Lady of Fatima University (OLFU) sa Pampanga nitong Huwebes ng umaga matapos makatanggap ng nakasulat-kamay na bomb threat.
Ayon kay Pampanga Police Director Col. Ricardo David, isang hindi pirmadong sulat na naglalaman ng banta ang iniwan sa isa sa mga comfort room ng paaralan.
Tinatayang 4,000 estudyante ang maayos na lumabas ng campus mula alas-8 hanggang alas-9 ng umaga. Nagsasagawa rin ng mga drill ang unibersidad bago naganap ang insidente.
Ito na ang ikatlong bomb threat na naitala sa Pampanga ngayong taon, kasunod ng 18 kahalintulad na insidente noong 2025. RNT/MDS