Home NATIONWIDE US envoy nakipagpulong kay Mayor Duterte sa Davao City

US envoy nakipagpulong kay Mayor Duterte sa Davao City

2
0

DAVAO CITY – Bumisita sa Davao City si United States Ambassador to the Philippines Lee Lipton nitong Huwebes at nakipagpulong kay Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sinalubong si Lipton sa Davao City Hall ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan at mga residenteng may hawak na bandila ng Pilipinas at Estados Unidos.

Bago ang pagbisita sa city hall, dumalo ang US envoy sa isang executive luncheon kasama sina Duterte, Senators Robin Padilla at Christopher “Bong” Go, at ilang lokal na opisyal.

Ayon kay Padilla, kabilang sa mga tinalakay sa pagbisita ang pagpapalakas ng lokal na ekonomiya at pagsusulong ng humanitarian initiatives sa Bangsamoro region at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sinabi rin ng senador na layunin ng pagpupulong na makatulong sa pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa ligtas at malayang negosyo sa rehiyon.

Wala namang inilabas na detalye hinggil sa anumang partikular na kasunduan o proyektong napagkasunduan sa pulong. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here