Manila, Philippines – Hindi lang hindi humuhupa ang isyung sangkot ang limang hosts ng Machong Chismisan podcast, marami din ang nadadamay.
Ang latest ay si Vice Ganda.
For a time nga naman, lumikha ng ingay ang kanyang mga binitawang salita patungkol kay Jessica Soho in one of his concerts at the Araneta Coliseum.
Pero huwag nating kalimutan that before he became the famous Vice Ganda that he is now ay nagsimula muna siya bilang standup comedian sa mga comedy bar.
In hangouts like those, alam naman nating lahat na matitindi at malala ang mga jokes–directed at people.
Kaya nga may babala na agad sa mga parokyano: kung pikon ka, wala kang puwang doon.
Sa isang post sa Threads, nasabi tuloy ng isang netizen na: “Vice Ganda’s jokes are very different now but people who knew Vice from 2 decades ago sa Punchline and Laffline know na worse pa jokes and comments niya sa Machong Chismisan. This is not an anti-Vice post, just saying people can change or at least adapt.”
Sey naman ng ilan: “Natuto na ata siya after that Jessica Soho joke. ‘Yung rape joke, which is very wrong.”
Remember that the TV host-comedian made fun of Jessica’s weight at ginawang biro ang panggagahasa.
Pero ayon na din sa mga netizens, ang tunay na pagbabago daw ay hindi nasusukat sa mga biro–kundi sa mga aral na natututunan mula sa mga pagkakamali.
And once a mistake has already been committed, aba’y huwag nang ulitin, ‘no! Ronnie Carrasco III