
BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang indibiduwal nang makumpiskahan ng P600.000 halaga ng unregistered ang counterfeit whitening soap sa bayan ng Guiguinto noong Oktubre 19.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng CIDG Anti-Organized Crine Unit kasama ang trademark owner ng whitening soap products sa isang warehouse sa Grandmax Industrial Park, Guiguinto.
Ayon sa ulat, ang dalawang babaeng naaresto ay isang Chinese at Filipina na naaktuhang nagbebenta ng nasabing iligal na produkto na walang required product registration and authority mula sa trademark owner.
Nabatid na nasamsam sa operasyon ang 50 boxes (5,000 pieces) of unregistered and counterfeit whitening soap na may halagang P600,000.00.
Sinasabing ang paggamit ng unregistered soaps ay magdulot ng intense skin irritation, severe itchiness, burning at iba pa kaya pinaalalahanan at pinag-iingat ng kinauukulan ang publiko tungkol dito.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) at Republic Act No.9711 Food and Drug Administration Act of 2009. (Dick Mirasol III)