Home METRO Wanted na tulak ng bakal, bomba nadamba sa Bulacan ops

Wanted na tulak ng bakal, bomba nadamba sa Bulacan ops

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng nga pulis ang lalaking wanted na umanoy nagbebenta rin ng baril, pampasabog nang silbihan ng warrant of arrest sa bayan ng Plaridel nitong Oktubre 23.

Sa ulat ni PMAJ Mark Anthony Tiongson, hepe ng Provincial Intelligence Unit Bulacan, kinilala ang suspek na si alyas “Filo”, 33, residente ng Brgy. Batia.

Ayon sa ulat, ikinasa ang intelligence-driven manhunt operation ng PIU katuwang ang Plaridel police station bandang 11:20 ng gabi sa Brgy. Sto Niño, Plaridel.

Nabatid na nahuli ang suspek na aktong nagbebenta ng kalibre .38 Armscor revolver kapalit ng P3,000 buy-bust money at narekober din ang buy-bust money, granada at sling bag.

Inaresto rin siya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Attempted Murder na inilabas noong Nobyembre 11, 2024 ng Regional Trial Court Branch 120, Third Judicial Region, San Jose Del Monte na may piyansang P120,000.

Nahaharap sa karagdagang kaso ang suspek na nasa kustodiya ng nasabing yunit. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here