Home NATIONWIDE Biyahe ni Pope Leo kinansela para magpagaling sa cancer surgery

Biyahe ni Pope Leo kinansela para magpagaling sa cancer surgery

1
0

VATICAN – Kinansela ni Pope Leo ang plano nitong biyahe sa Oktubre 27 patungo sa bayan ng Assisi sa Italy kasabay ng pagpapagaling sa pinagdaanang lung cancery surgery.

Ayon sa Vatican, ang desisyon ni Pope Leo ay batay na rin sa abiso ng mga doktor.

Sa hiwalay na pahayag naman mula sa surgeon at personal na doktor ni Pope Leo, nakita sa chest examination ang magandang usad ng recovery ng Santo Papa.

Batay naman sa mga pagsusuri sa tissue na inalis sa baga ng Santo Papa ay nakumpirma na ang cancer ay localize at hindi na nangangailangan ng patuloy pang gamutan sa cancer.

Nakatakda sana si Pope Leo na bumiyahe sa Oktubre 27 para sa peace event kasama ang iba pang religious leaders.

“To support his recovery following thoracic surgery last Tuesday, and in accordance with doctors’ advice, Pope Leo XIV will be unable to attend,” saad sa pahayag ng Vatican. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here