Home HOME BANNER STORY Dami ng mga biyahero sa mga terminal ng bus normal pa bago...

Dami ng mga biyahero sa mga terminal ng bus normal pa bago mag-Undas – LTO

1
0
Larawan mula kay Danny Querubin

MANILA, Philippines – Normal pa ang dagsa ng mga pasahero sa mga terminal ng bus sa Metro Manila isang linggo bago ang paggunita ng Undas, ayon sa Land Transportation Office (LTO) nitong Sabado, Oktubtr 24.

Ipinatutupad ng LTO ang “Oplan Biyaheng Ayos” para sa Undas at ininspeksyon ang Cubao, Quezon CIty at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

“Naitala ang normal na dami ng mga pasahero at napansin ang maayos na kondisyon at kalinisan ng mga palikuran ng mga bus, kung kaya’t napatunayan ding nasa maayos na kondisyon ang mga ito para bumiyahe,” sinabi ng LTO.

Kasama ang iba pang ahensya ay ininspeksyon ng LTO ang roadworthiness ng pitong bus sa JVH Terminal, RMB Terminal, at ELAVIL Terminal sa Cubao.

Sa PITX naman ay may 20 bus ang ininspeksyon.

“Lahat ng 27 bus ay pumasa sa inspeksyon at napatunayang nasa maayos na kondisyon para bumiyahe,” ayon pa sa LTO.

Patuloy na mag-iinspeksyon ang LTO sa mga malalaking terminal.

Inaasahan naman ng PITX ang nasa 1.9 milyong pasahero ngayong taon sa Undas exodus. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here