MANILA, Philippines – Kinwestyon ng law firm na nagrerepresenta kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang legal na basehan ng P50 milyong pabuya para sa ikaaaresto ng senador.
“Every peso of a government reward must answer one question – for the arrest of whom, in what case, by order of what court?,” tanong ng Torreon and Partners.
“The DILG does not grant rewards by press conference. It grants them through Memorandum Circulars covering ‘Most Wanted Persons,” paliwanag pa ng mga abogado.
Ipinunto ng defense team ng senador na ang sariling reward protocol ng DILG at nangangailangan ng valid arrest warrant sa Pilipinas at designated case number, bago ilista ang isang indibidwal bilang Most Wanted Person.
Ayon sa grupo, ang protocol na ito ay pinamamahalaan ng mga regulasyon katulad ng DILG Memorandum Circular No. 2015-136 at PNP Memorandum Circular No. 2011-001.
Iginiit ng grupo na ang tanging proseso na mayroon para sa senador ay mula sa International Criminal Court (ICC) na isang tribunal kung saan kumalas na ang bansa noon pang Marso 17, 2019.
Wala ring lokal na husgado ang sumuri, nag-endorso o tumanggap sa warrant ng foreign tribunal.
“A reward system built on Philippine warrants cannot be used for a person who has no Philippine warrant,” paliwanag ng mga ito.
Samantala, sinabi rin ng Torreon law office ang panganib sa pagtawag kay Dela Rosa bilang “armed and dangerous,” at ang pabuya ay naghihikayat para sa mga vigilante action.
“Private persons may arrest without a warrant only in the narrow situations listed in Rule 113, Section 5 of the Rules of Criminal Procedure. A foreign warrant is not one of them.”
Naniniwala rin ang mga ito na “a bounty that invites “capture” without a Philippine warrant does not promote law enforcement. It invites people to take the law into their own hands.”
Bukod pa dito ang pagkwestyon ng law office sa pagkukuhanan ng pabuya. RNT/JGC