Home NATIONWIDE ‘Di na kailangan ng P50M pabuya kung sumuko na lang si Bato...

‘Di na kailangan ng P50M pabuya kung sumuko na lang si Bato – Castro

3
0

MANILA, Philippines – Hindi na sana kinailangan ang pag-aalok ng P50 milyong pabuya kung kusa na lang sumuko si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon kay Palace press officer Claire Castro.

Ito ang tugon ni Castro sa panawagan ng minority bloc na dialogue ng pamahalaan kay Dela Rosa.

“Kung walang nagplanong magpaangkas o magpasakay ng libre sa pagtakas ni Sen. Bato mula sa gusali ng Senado at isinuko na lang sana siya kay [Interior Secretary Jonvic Remulla] ay hindi ito hahantong sa ganitong paglalagay ng P50M bounty sa paghuli kay Sen. Bato,” sinabi ni Castro.

“Walang dapat na masayang na oras sa pagpapatupad ng batas… Mas mabilis at agresibong pagkilos ng mga pulis, yan ng utos ng Pangulo. Ipatupad ang batas at hulihin at dapat na hulihin,” dagdag pa niya.

Nanawagan si Castro kay Dela Rosa na tigilan na ang pagmamatigas dahil “our police force will not back down.”

Iginiit din niya na “no one should die when performing their duty” as part of the police to arrest Dela Rosa.”

“Tumatakbo ang bawat minuto, dapat mas mabilis na pagkilos. Suportado ng pangulo ang hakbang ng [Department of Interior and Local Government, Department of Justice] at mga law enforcers.”

Kamakailan ay naglabas ang minority bloc ng pahayag at sinabing si Dela Rosa “has publicly stated that he is prepared to face accusations and charges before Philippine courts” and urged the government to “consider his stated willingness as a basis for dialogue.”

Ayon pa sa minority senators, sila ay “ready to help work out a lawful process through which the allegations can be heard and answered, with fairness to those seeking justice and a full opportunity for him to defend himself.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here