Home NATIONWIDE Suporta sa public interest lawyers palalakasin ng SC

Suporta sa public interest lawyers palalakasin ng SC

2
0

MANILA, Philippines – ‎Pormal na palalawigin ng Korte Suprema ang suporta sa mga public interest lawyer at organisasyon upang palakasin ang grassroots lawyering.

‎Sa ilalim ng mga alituntuning pinagtibay noong Agosto 26 at inilabas nitong Biyernes, kinikilala ng Korte ang mga organisasyon at abogado na nakatuon sa developmental at social change (DSC). Magkakabisa ang mga alituntunin sa sandaling mailathala sa print media at sa websites ng Korte Suprema at ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

‎Ayon sa Korte Suprema, layunin nitong palakasin ang legal aid bilang isang “equalizing mechanism” sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.

‎Kabilang sa mga kwalipikadong DSC organization ang mga not-for-profit na may limang taon nang operasyon at pangunahing tumutulong sa marginalized at underserved sectors. Ang accreditation, na may bisa ng tatlong taon at maaaring i-renew kada limang taon, ay susuriin ng DSC Council na nakapaloob sa IBP National Center for Legal Aid.

‎Isang interim council na binubuo ng mga kinatawan ng FLAG, NUPL, Alternative Law Groups at IBP NCLA ang bubuo ng implementing manual.

‎Maaaring humingi ng financial assistance, exemption sa legal fees, at proteksyon laban sa SLAPP suits ang mga accredited group, basta maipakita ang financial transparency. Hindi bababa sa 60% ng pondong matatanggap ay dapat ilaan sa pangangailangan ng mga tauhan.

‎Sinabi ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na umaasa siyang mas maraming law students ang pipiliin ang public interest lawyering bilang career, dahil madalas aniyang tinuturing na “subversives” ang mga abogadong ito dahil sa paghamon sa status quo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here