Home NATIONWIDE Taas-sahod sa Western Visayas aprubado ng wage board

Taas-sahod sa Western Visayas aprubado ng wage board

2
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Western Visayas ang dagdag na P40 hanggang P45 sa arawang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
‎
‎Sinabi ni RTWPB-6 chair Sixto Rodriguez Jr. nitong Sabado na sakop ng dagdag-sahod ang mga manggagawa sa Western Visayas, Negros Occidental at Bacolod City.
‎
‎Sa ilalim ng Wage Order No. 30, ang mga manggagawa sa agrikultura ay makatatanggap ng P45 na dagdag araw-araw, kaya tataas ang kanilang minimum wage mula P520 patungong P565.
‎
‎Ang mga nagtatrabaho naman sa non-agricultural establishments na may 10 pababang empleyado ay makatatanggap ng P40 na dagdag araw-araw, kaya tataas ang kanilang minimum wage mula P525 patungong P565.
‎
‎Sinabi ni Rodriguez na ang buwanang minimum wage ng mga domestic worker o kasambahay ay tataas ng P500, mula P6,500 patungong P7,000.
‎
‎Kung maaprubahan ng labor secretary ang pagtaas na ito, inaasahang magkakabisa ang dagdag-sahod pagsapit ng Nobyembre, ani Rodriguez. Jocelyn Tabangcura-Domenden

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here