Home NATIONWIDE Publiko hinimok ni Remulla na isumbong mga pang-aabuso ng gobyerno

Publiko hinimok ni Remulla na isumbong mga pang-aabuso ng gobyerno

2
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang publiko na magsumbong sa mga pang-aabuso ng pamahalaan.

Sa kalatas nitong Linggo, Oktubre 25, sinabi ni Remulla na ang paglaban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ay nangangailangan ng collective effort sa pagitan ng pamahalaan at publiko.

“We try to make accountability something felt by the people who matter, and the people who matter is the Filipino people. Tayong mga Pilipino, dapat kaya nating isaayos ang bayan natin at kaya nating lumaban para sa ating mga karapatan. We have to fight for our rights,” ayon sa Ombudsman.

“… We have to fight back by being open or by openly communicating to us what is happening on the ground,” dagdag pa.

Ayon sa Ombudsman, kinikilala nito ang kahalagahan ng pagkalap ng impormasyon mula sa mamamayan para matukoy at matugunan ang mga pang-aabuso at kahinaan ng government public services.

Hinimok din niya ang publiko na huwag kunsintihin o tanggapin ang mga public servant na umaabuso sa kanilang posisyon, at sinabing ang Office of the Ombudsman ay nagsisilbing daan sa mamamayan para ipanawagan ang accountability kung mali ang paggamit ng mga opisyal sa kanilang kapangyarihan.

“If we accede to the antics of many people in government who have a wrong idea of how to exercise power and responsibility, then things will never improve,” dagdag ni Remulla. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here