Home HOME BANNER STORY Jonvic kay Bato: Enough talk, surrender

Jonvic kay Bato: Enough talk, surrender

2
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu si Interior Secretary Jonvic Remulla ng bagong ultimatum para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

“We’ve been talking for a year. Enough talk. Surrender or face the music,” ani Remulla.

Binalaan niya si Dela Rosa na isasagawa ang pwersahang pag-aresto dito kung hindi susunod sa deadline ng Philippine National Police.

“Then we pursue him with all abandon,” sinabi pa ni Remulla nang tanungin kung ano ang mangyayari kung hindi pa rin susuko si Dela Rosa ngayong linggo.

Matatandaan na nanawagan ang mga lider ng Senado sa mga awtoridad na siguruhin ang ligtas, maayos, at mapayapang pag-aresto kay Dela Rosa kasabay ng mga posibleng karahasan.

Si Dela Rosa ay nagtatago matapos isyuhan ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) sa pagiging PNP chief na nagpatupad ng drug sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here