Home ENTERTAINMENT Glaiza, na-surprise sa baby shower ng anak!

Glaiza, na-surprise sa baby shower ng anak!

2
0

Manila, Philippines – No less than Angelica Panganiban ang promotor ng sorpresang paandar nila para sa baby shower party para sa expectant first-time mom na si Glaiza de Castro.

Kasama ni Angelica na i-organize ito si Kean Cipriano.

Siyempre, clueless si Glaiza what her close celebrity friends were up to.

Pero ipinost ng Kapuso actress sa kanyang Instagram ang sobrang kagalakan niya.

Ang buong akala kasi ni Glaiza ay tatambay lang sila ni Angelica sa studio–‘yun daw ang usapan nila.

Ang mindset ng aktres–since matagal na daw noong huli silang nagkita nina Angelica at Kean:

“Naku, mahabang gabi ito!”

Eh, inabot ba naman daw sila nang madaling araw the last time kaya tiyak na pa-morningan na naman daw ang muli nilang pagkikita.

It turned out na baby shower party pala ‘yon: “Nasabi ko kay Lord na grabe siya sa mga taong ibinibigay Niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal at hindi lang ito sa hormones.

“Nasubok ko na ito matagal na. Na-witness namin ang iba’t ibang chapters ng buhay, at hanggang ngayon, nandito pa rin sila!”

Todo-thank you si Glaiza sa effort ng kanyang mga “friendship” in making her “Baby Rainey” happy: “Ramdam niya ang kaligayahan ng nanay niya.”

At press time, wala pang gender reveal ang magiging firstborn ng aktres, na ewan kung baka sa ibang bansa magsilang.

If ever, afam ang baby tulad ng fadir. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here