Home NATIONWIDE P50M pabuya sa pag-aresto kay Bato, ‘di utos ni PBBM – Malakanyang

P50M pabuya sa pag-aresto kay Bato, ‘di utos ni PBBM – Malakanyang

2
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na bahagi ng operasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) ang naging alok ng departamento na P50 milyon na pabuya para sa agarang paghuli kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa at hindi utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa katunayan, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, tinanong niya si DILG Secretary Jonvic Remulla patungkol sa usaping ito at ang isinagot aniya sa kanya ay “Dito talaga inilalaan ang mag confidential funds, intel funds na naibibigay sa DILG, PNP, kasi ito talagang operasyon, tunay na operasyon.”

Hindi aniya ito katulad ng ibang intellligence funds o confidental funds na sa loob lamang ng 11 araw ay ubos na.

“So, ito ay tunay na operasyon at hindi pagpaplanta ng banana chips,” diing pahayag ni Castro.

Pinabulaanan naman ni Castro na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pa ang nag-utos sa DILG na magbigay ng P50 milyong pabuya para sa agarang pag-aresto kay Bato dela Rosa.

“Hindi po yan manggagaling mismo sa Pangulo dahil ito po ay strategy, operasyon ni Secretary jonvic remulla at pamunuan ng PNP. Kung ganito ang kanialng mga pamamaraan para gamitin ang kanialng intel funds, ito ay naaayon naman. Basta mapatunayan nila ang operasyon na gingawa nila at mayrong magiging result so operasyon po yan ng DILG at PNP,” diing pahayag ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here