Home NATIONWIDE Mga magsasaka sa Apayao, Cagayan nagpasalamat kay PBBM sa proyekto sa irigasyon

Mga magsasaka sa Apayao, Cagayan nagpasalamat kay PBBM sa proyekto sa irigasyon

1
0

MANILA, Philippines – NAGPASALAMAT ang mga magsasaka at samahan ng mga gumagamit ng irigasyon sa silangang Apayao at kanlurang Cagayan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga proyekto sa irigasyon at tulong sa pagpapanatili ng mga pasilidad.

Ipinahayag ng mga magsasaka  ang kanilang pasasalamat sa pagbubukas ng Pamplona Solar Pump Irrigation Project sa Barangay Gattu, Pamplona, Cagayan, araw ng Lunes.

Ayon sa National Irrigation Administration (NIA), makikinabang sa proyekto ang 307 magsasaka sa limang barangay at madidiligan ang humigit-kumulang 603 ektarya ng lupa, kabilang ang 100 ektaryang naibalik sa pagsasaka.

Nagpasalamat din si Alfredo Biggayan ng Mannalon Ti Guiddam Irrigators Association sa Abulug, Cagayan, sa mga programa ng pamahalaan para sa irigasyon sa rehiyon.

Samantala, sinabi ni Leopoldo Bautista, bise presidente ng Nagtipunan Kakampi Irrigators Association, na nakatanggap ang kanilang samahan ng tulong para sa mga gawaing pangkabuhayan, kabilang ang pagpapalago ng punlaan at pagtatanim ng niyog.

Nais din nilang palawakin ang pag-aalaga ng tilapia at paghahayupan upang madagdagan ang kita ng mga miyembro.

Bahagi ang proyekto ng pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang maaasahan at mas matipid na irigasyon, mapataas ang produksyon ng mga magsasaka, at mapatatag ang suplay ng pagkain sa bansa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here