Home METRO UST muling binulabog ng bomb threat

UST muling binulabog ng bomb threat

1
0

MANILA, Philippines – Muling nakatanggap ng umano’y bomb threat ang University of Santo Tomas (UST) nitong Martes ng umaga, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo na ipinadala sa isang kawani ng paaralan ang banta sa pamamagitan ng Messenger.

“Ito po ay parang continuation po noong nauna nila na threat, diumano, na itutuloy nila yung sinabi nila na nakaraang araw na itutuloy na po nila yung pagpapasabog,” ani Asilo.

Nakikipag-ugnayan na ang NCRPO sa security office ng UST upang beripikahin ang impormasyon. Kasama rin sa imbestigasyon ang anti-cybercrime group at mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal.

Naganap ang insidente sa gitna ng sunod-sunod na bomb threat na iniulat sa ilang paaralan, kabilang ang UST, De La Salle University (DLSU), University of the East at Our Lady of Fatima University (OLFU). Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung iisang tao o grupo ang nasa likod ng mga banta.

Nagsasagawa na ang pulisya ng mga hakbang pangseguridad at pagsusuri upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at guro.

Nagbabala si Asilo na maaaring matukoy at makasuhan ang mga responsable sa pagpapakalat ng bomb threat, kahit pa biro o kalokohan lamang ang kanilang layunin. Binanggit niya ang Anti-Bomb Joke Law, na nagpaparusa sa malisyosong pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga bomba at iba pang pampasabog. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here