Home NATIONWIDE Asawa ni Bato: Kailangan niya ng tulong, ‘di pag-uusig

Asawa ni Bato: Kailangan niya ng tulong, ‘di pag-uusig

1
0

MANILA, Philippines – Umapela si Nancy Dela Rosa, asawa ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, sa tinawag niyang “powerful few” na dati umanong kaibigan ng senador na tulungan ito sa halip na usigin.

Sa Facebook post, sinabi ni Nancy na marami pa rin umanong naniniwala at sumusuporta sa kanyang asawa habang patuloy itong hinahanap ng mga awtoridad kaugnay ng warrant ng International Criminal Court (ICC).

Ayon sa kanya, umaasa siyang mauunawaan ng mga dating kaibigan ni Dela Rosa na hindi umano ito kaaway ng estado at hindi dapat gamitin para sa personal na agenda.

“He needs your help, not your persecution,” bahagi ng kanyang pahayag.

Nauna nang nag-alok ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng P50 milyong reward para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto kay Dela Rosa.

Sinabi naman ng Philippine National Police nitong Martes na wala pa rin silang natatanggap na surrender feelers mula sa senador.

Si Dela Rosa ay hinahanap kaugnay ng ICC case na may kinalaman sa mga alegasyon ng crimes against humanity sa ilalim ng drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Patuloy naman ang operasyon ng mga awtoridad upang matunton siya, habang nananawagan din ang ilang senador na tiyaking mapayapa at ligtas ang anumang pag-aresto.

RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here