Home METRO Simbahan sa Cotabato ninakawan na, binaboy pa

Simbahan sa Cotabato ninakawan na, binaboy pa

7
0

MANILA, Philippines – Idineklarang desecrated ng Diocese of Kidapawan ang Sta. Teresita del Niño Jesus Parish sa M’lang, Cotabato matapos umanong pasukin ng mga magnanakaw at tangayin ang ilang sacred vessels habang ikinalat sa sahig ng sanctuary ang mga consecrated host.

Batay sa larawan mula sa parokya, makikita ang isang bukas na ciborium at takip nito sa sahig, kasama ang mga piraso at buo pang consecrated hosts.

Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi lamang ito simpleng property crime kundi paglapastangan sa banal na Eucharist.

Naiulat na sa M’lang police ang insidente at nagpapatuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable.

Alinsunod sa Canon Law, pansamantalang itinigil ang mga misa, sakramento at iba pang rites sa loob ng pangunahing gusali ng simbahan.

Samantala, pansamantalang gaganapin ang mga misa sa Parish Formation House.

Nakatakda naman sa Oktubre 31, 2026, alas-5 ng hapon ang penitential rite at Mass of Reparation na pangungunahan ni Bagaforo, kasunod ng blessing ng altar at bagong tabernacle.

Nanawagan din ang diocese sa mga mananampalataya na magsagawa ng communal penance, fasting at devotional activities gaya ng pagdarasal ng Rosaryo at Way of the Cross. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here