Home HOME BANNER STORY DTI: Walang inaasahang taas-presyo sa basic goods bago 2027

DTI: Walang inaasahang taas-presyo sa basic goods bago 2027

1
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga basic commodities na sakop ng ahensya hanggang sa katapusan ng 2026.

Ito ang sinabi ni Trade Secretary Cristina Roque matapos magsagawa ng price monitoring sa ilang supermarket sa Maynila nitong Martes.

Kabilang sa mga sinuri ang presyo ng tinapay, canned goods, bottled water at iba pang pangunahing bilihin.

Ayon kay Roque, karamihan sa mga produktong kanilang namonitor ay ibinebenta pa sa presyong mas mababa sa nakasaad sa DTI Suggested Retail Price o SRP list.

Pasok din umano sa itinakdang presyo ng DTI ang mga kandila, na inaasahang magiging mabili habang papalapit ang Undas.

Tiniyak din ng kalihim na sapat ang suplay ng bottled water sa mga supermarket kaya walang dahilan para mag-panic buying ang publiko sa gitna ng mainit na panahon.

Samantala, binisita rin ni Roque ang Dangwa Flower Market upang tingnan ang presyuhan at suplay ng mga bulaklak.

Bagama’t hindi sakop ng DTI price regulation ang bentahan ng mga bulaklak sa Dangwa, sinabi ni Roque na nais niyang malaman ang kalagayan ng merkado at ang dami ng mga lokal na bulaklak na ibinebenta.

Binigyang-diin din niya ang suporta sa mga locally produced flowers at iba pang produktong gawa sa bansa.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here