MANILA, Philippines – “Sa El Nino ang bansa ay handa. Ang patubig ay buhay at pag-asa ng bawat magsasakang Pilipino.”
Ganito binigyang halaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga magsasaka na nagbibigay pagkain sa bawat hapag-kainan. Tulong sa mga magsasaka, food security naman para sa bawat isa.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, araw ng Lunes, Oktubre 26, personal na pinangunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng Alfonso Lista Pump Irrigation System o ALPIS na inaasahang magpapalawak sa lupang may irigasyon mula 275 hectares tungo sa 2,300 hectares.
Inaasahan aniyang tataas ang produksiyon ng palay mula 900 metric tons tungo sa 26,000 metric tons, habang ang kita ng magsasaka ay maaaring umakyang mula 16 million pesos tungo sa 159 million pesos kapag lubos ng napakinabangan ang pasilidad.
Nanguna rin aniya ang Pangulo sa inagurasyon ng Pamplona Solar Pump Irrigation Project SPIP kung saan binigyang halaga ang solar powered irrigation system.
Ito ayon kay Castro ang isa sa makabangong paraan upang mabawasan nag gastos sa patubig at matulungan ang mga magsasaka na makapaghanda sa epekto ng El Niño.
Mula noong 2022, nakapagtayo na ang pamahalaan ng 3,000 solar powered irrigation system sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa matinding epekto ng el Niño at pabago-bagong klima, layunin ng pamahalaan na pabilisin ang pagtatayo ng mas maraming Sistema ng irigasyon.
Sa harap ng El Niño, nagtutulungan din ani Castro ang pamahalaan at mga katuwang sa sector ng enerhiya upang mas mapangalagaan ang suplay ng tubig at kuryente.
Mula sa episyenteng pagpapatakbo ng mga hydro power plant hanggang sa floating solar project, bawat hakbang ay para sa mas matatag at mas handing kinabukasan.
Dahil naniniwala aniya ang Pangulo na sa likod ng bawat at bawat tahanang may ilaw, may mga magsasakang patuloy na nagsisikap at umaasahang hindi sila pababayaan.
“Kapag inalagaan natin ang tubig, pinapatatag natin ang agrikultura. Kapag sinuportahan natin ang ating mga magsasaka, pinapangalagaan din natin nag kinabukasan ng buong bayan. Kaya po, huwag tayong maniwala sa mga sinasabi ng iba na mga fake news peddlers, na walang ginagawa ang Pangulo sa paghahanda sa very strong El Niño,” ang sinabi ni Castro. (KRIS JOSE)