Home HOME BANNER STORY Budget insertion ipinagtanggol ng Palasyo, ‘basta gamitin nang tama’

Budget insertion ipinagtanggol ng Palasyo, ‘basta gamitin nang tama’

4
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Malakanyang na ang budget insertion ay magiging problema lamang kung mapupunta sa bulsa ng mga politiko.

“Kung ang mga proyekto naman ng isang congressman ay maayos at ang pondong ilalaan dito ay magagamit nang tama, sino ba naman ang dapat na humadlang kung ang pondong ito ay sasapat naman para mapaganda ang isang distrito?” sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa press briefing nang hingan ng komento patungkol sa pahayag ng watchdog na may nakitang malaking halaga ng budget insertion sa isang distrito sa Ilocos.

“Mahirap po kasi na kumukuha ng pondo, ‘yun pala hindi naman nagagamit sa distrito,” dagdag pa niya.

Sinabi ng Palasyo na hindi nito partikular na tinutukoy ang anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si House Majority Leader Sandro Marcos. kung saan nasa P4.37 bilyon ang proposed insertion sa Ilocos Norte 1st district.

“Kahit sino pang congressman ‘yan, kung ang pondo na nailaan sa kanyang distrito ay tama ang paggamit—walang ghost projects, walang substandard na mga materials na ginamit sa mga proyekto—hindi po ito po magkakaroon ng problema,” sinabi ni Castro.

“Dahil ang insertion ay hindi po ito generally masama. Nagiging masama lang ang insertion kung ang pera ay i-insert sa bulsa ng pulitiko. ‘Yun ang masama,” dagdag pa nito.

Kamakailan ay nakita ng People’s Budget Coalition (PBC) ang “red flags” na nagkakahalaga ng mahigit P1 trilyon ng alokasyon sa proposed P7.2 trillion national budget para sa fiscal year 2027.

Sakop umano nito ang iba’t ibang uri ng “pork” o discretionary funds sa ilalim ng House-approved GAB

“Lampas P1 trilyong red flags ang nakita namin sa 2027 budget—P210 billion sa soft pork sa anyo ng patronage-driven ayuda, P695 billion sa hard pork, which is politicized infrastructure, and P112 billion po sa shadow pork o ‘yung unprogrammed appropriations,” sinabi ni PBC co-convenor AJ Montesa sa budget briefing sa Senado noong Lunes.

Bilang tugon, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaaring magsagawa ng adjustments ang Kongreso sa proposed budget sa valid na basehan ngunit susuriin pa rin ng Senado ang amendments na ginawa ng Kamara kung kinakailangan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here