Home HOME BANNER STORY Gatchalian tutok pa rin sa impeachment trial sa kabila ng panawagan na...

Gatchalian tutok pa rin sa impeachment trial sa kabila ng panawagan na tanggihan VP post

1
0

MANILA, Philippines – Mananatiling tutok si Senate President Sherwin Gatchalian sa impeachment trial sa kabila ng panawagan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na tanggihan ang anumang alok na pumalit sa pwesto ni Vice President Sara Duterte kung mahahatulan ito.

Ani Gatchalian, marami pang inaasahang madidiskubre sa impeachment trial dahil hindi pa nakakapagpresenta ang defense team nito ng mga ebidensya.

“To be fair sa respondent, hindi pa nape-present ng defense ‘yung kanilang ebidensya at testimony. So pakinggan muna natin lahat bago tayo mag-isip ng next steps,” sinabi ng Senate President.

“Ako, impeachment muna ang tinututukan ko eh,” sagot ni Gatchalian nang tanungin kung inaalok na ito ng pwesto bilang kapalit ni Duterte.

“Pinag-aaralan namin mabuti, pinag-aaralan ko mabuti. And of course, ‘yung impeachment proceedings, pinag-aaralan din namin mabuti ‘yung dates, ‘yung times. In the next few days, budget season, papasok na sa plenary. So, ito lahat inaayos namin. So, naka-concentrate muna kami sa process,” dagdag pa niya.

Matatandaan na umapela si Cayetano sa mga kasamahang senador na ideklara ang kanilang pagtanggi sa alok na vice presidency kung mapapatalsik sa pwesto si Duterte dahil sa impeachment trial. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here