Home NATIONWIDE Angara natuwa sa pag-apruba ng DBM sa 3,627 bagong DepEd Sulu positions

Angara natuwa sa pag-apruba ng DBM sa 3,627 bagong DepEd Sulu positions

8
0

MANILA, Philippines – IKINATUWA ni Education Secretary Sonny Angara ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa 3,627 bagong teaching at teaching-related positions para sa bagong tatag na Schools Division Office (SDO) ng Sulu.

Kabilang dito ang 3,618 teaching items mula Teacher I hanggang Master Teacher II, at 9 na posisyon para sa mga head teacher at school principal.

Maliban pa ito sa 84 na administrative positions na naunang inaprubahan, kung saan 40 ay para sa mga kasalukuyang kawani ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education-BARMM sa Sulu.

Nauna rito, siniguro naman ng Kalihim na protektado ang mga guro at kawani at hindi pababayaan ang kanilang kabuhayan.

Winika pa ni Angara na obligayson ng DepEd na tuparin ang pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na walang maiiwan sa paglilipat ng sistema ng edukasyon sa Sulu sa kagawaran.

Sa kasalukuyan, minamadali na ng DepEd ang deployment at appointment ng mga guro para hindi maantala ang kanilang sweldo at benepisyo. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here