Manila, Philippines – Pahaba nang pahaba ang listahan ng mga nagtatanggol kay Alden Richards.
Ibilang na natin ang kung tawagin ng Kapuso actor ay “tatay”–si Arnold Clavio.
Narito ang mensahe ni Igan para kay Alden: ®Hindi sa nais kong sumawsaw sa kontrobersyang pinagdadaanan niya pero kailangan din naman proteksyunan ko ang
kanyang pribadong buhay…
“Anak, I may not exactly know kung ano ang pinagdadaanan mo ngayon, pero gusto ko na malaman mo na hindi mo kailangan harapin ang lahat nang mag-isa.”
Ani Igan, life isn’t easy as there are times when Alden gets tired or discouraged and doesn’t know where he’s headed.
Pero bahagi daw ito ng kuwento ni Alden, hindi katapusan ng lahat.
Kaya payo ni Arnold: ‘Take your time. Huminga ka muna, magpahinga at bigyan mo ang sarili mo ng pagkakataong mag-heal.”
Hindi daw kailangang maging laging okey; okey lang din daw umiyak, mapagod at umaming nahihirapan.
Alden doesn’t have to pretend.
Maaaring hindi pa daw nasisilayan ni Alden ang liwanag, but Arnold believes better days await the actor.
Huwag din daw mag-atubiling humingi ang aktor ng tulong mula sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.
As it is now, wala daw sa plano ni Alden ang pumatol kay Xian Gaza na nasa Thailand at inuurutang idemanda ng aktor ng cyberlibel case.
But Alden was quoted to have said na alam niya sa kanyang sarili–in his heart of hearts: ‘I am a good person!” Ronnie Carrasco III