Home ENTERTAINMENT Xian, nagsori kay Alden, tiklop!

Xian, nagsori kay Alden, tiklop!

2
0

Manila, Philippines – Pinagtatawanan lalo ngayon si Xian Gaza.

Ito’y matapos maglabas ng public apology ang Pambansang Marites sa kanyang Facebook account para sa sinira-siraan niyang si Alden Richards.

Inamin ni Xian ang aniya ay pagkakamali niya sa ginawang pag-atake sa Kapuso actor.

Inamin ni Xian na lumabis o sumobra sıya sa kanyang mg banat at sa paraan nito.

Kabilang din ang pagkuwestyon ni Xian sa kasarian ng aktor na ang layunin ay para makakuha ng engagement sa social media.

Eto ang post ni Xian: ‘PUBLIC APOLOGY TO ALDEN RICHARDS: Gusto ko lang humingi ng sorry kay Alden because I went too low for

the past few weeks.

“Pinagdiskitahan ko ‘yung kasarian niya. Argumentum ad hominem.

“Character assassination. Maling-mali. Dapat nag-focus lang ako doon sa issue ng condo, relo at mga pagyayabang niya sa mga bagay na hindi naman kanya.”

Dagdag pa ni Xian, nadala lang daw siya.

Napagtanto din daw niya ang kanyang pgkakamali pagkatapos ng 48 oras ng pagpa-party.

Nag-sorry din si Xian sa pagdadamay niya sa road manager ni Alden who he claimed is staying with the actor at the condo unit lent to him by a rich couple.

“I went out of bounds. One of the rules of engagement with online drama is never involve private people.

“Hindi ako nag-isip ng tama.”

Sa kabila ng paghingi ng sorry ay hindi daw babawiin ni Xian ang iba niyang sinabi laban kay Alden: “Wala akong babawiin!”

Aniya, beripikado daw ang lahat ng mga ibinunyag niya from multiple sources na malalaking tao sa showbiz.

Inamin din ni Xian na ang ginagawa niyang mga online commentary ay para kumita: “I’m here for the money. I want money. I love money. Mukha akong pera. Hanabuhay ko ‘to.”

What a way to earn fast bucks…’kadiri! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here