Home NATIONWIDE DTI tiniyak na walang taas-presyo sa pangunahing bilihin sa Pasko

DTI tiniyak na walang taas-presyo sa pangunahing bilihin sa Pasko

1
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Department of Trade and Industry  (DTI) na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ngayong Pasko.

Sa isang press briefing sa Cagayan de Oro, araw ng Martes, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) at Palace Press Officer Claire Castro na bahagi ito ng mga hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matulungan ang mga mamimili na harapin ang mga hamong pang-ekonomiya.

“Ang DTI ay nangako na walang pagtaas itong darating na Pasko sa mga prime commodities, mga basic needs natin. Iyong supply ng fuel ay hindi mapuputol; tuluy-tuloy pa rin po,” dagdag ni Castro.

Binigyang-diin ni Castro na ipinatutupad ng pamahalaan ang mga kaparehong hakbang sa Luzon, Visayas, at Mindanao upang matiyak na makatatanggap ng suporta ang mga Pilipino sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin.

“Pero magtulong-tulong pa rin po tayo, kasama po kayo, na intindihin natin kung ano ang nangyayari sa paligid natin kasi sabi nga natin, hindi ito kagustuhan ng Pangulo dahil sinong pangulo ang gugustuhing tumaas ang presyo ng krudo,” dagdag pa ni Castro. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here