Home ENTERTAINMENT Jojo at Mark, bati na; Fans, naiintriga sa distansya!

Jojo at Mark, bati na; Fans, naiintriga sa distansya!

2
0

Manila, Philippines – Nakaagaw ng atensiyon ang duet nina Mark Herras at The Revival King na si Jojo Mendrez sa 42nd PMPC Star Awards for Movies matapos nilang awitin ang Somewhere in My Past.

Palakpakan at hiyawan ang umalingawngaw sa ballroom ng Winford Hotel habang magkasamang nagtanghal ang dalawa.

Ngunit sa kabila ng mainit na pagtanggap ng audience, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga nanonood ang tila distansiya nila sa isa’t isa habang kumakanta.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang naging alitan nina Mark at Jojo noon at muntik pa itong humantong sa demandahan.

Kaya naman naging usap-usapan ang kanilang muling pagtatagpo sa nasabing awards night.

Ayon kay Jojo, na siya ring producer ng 42nd PMPC Star Awards for Movies, sa backstage lamang sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap at magkabati.

Nagkasundo na nga ba ang dalawa at tuluyan nang naayos ang kanilang hindi pagkakaunawaan?

Kung nagkabati na sila, bakit tila may distansiya pa rin habang magkasamang kumakanta sa entablado?

Sa ngayon, ang kanilang duet ang naging sentro ng usapan—isang pagtatanghal na naghatid ng kasiyahan sa audience, kasabay ng mga tanong kung tuluyan na nga bang natuldukan ang kanilang dating alitan. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here