Home NATIONWIDE Pondo sa ARAL program, tiniyak ni Gatchalian sa 2027 budget

Pondo sa ARAL program, tiniyak ni Gatchalian sa 2027 budget

3
0

MANILA, Philippines – Muling tiniyak ni Senate President Win Gatchalian na isusulong nito ang paglalaan ng pondo para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program upang lalo pang maiangat ang kakayahan ng mag-aaral sa pagbabasa.

“Ito naman ang ating commitment sa DepEd dahil kung maganda yung programa, kailangang mapondohan para maipagtuloy ang maganda nitong resulta,” pahayag ni Gatchalian sa pagdinig ng Senate Committee on Finance tungkol sa panukalang 2027 budget ng Department of Education (DepEd) at mga kalakip nitong ahensya.

Binalikan ni Gatchalian ang isang impact evaluation na isinagawa ng DepEd, nonprofit organization na Youth Impact, at World Bank.

Ayon sa pag-aaral, natulungan ng ARAL program ang 1.37 million learners na makaahon mula sa kategorya ng mga struggling learners o nahihirapang bumasa.

Kasunod ng pagpapatupad ng ARAL program, umabot na sa 730,000 ang bilang ng mga mag-aaral na nakakabasa na nang naaayon sa kanilang grade level.

Napataas din ng programa nang 37% ang reading proficiency ng mga mag-aaral mula Grades 1-3 sa loob ng isang regular na school year.

Noong nanungkulan bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, isinulong ni Gatchalian ang paglalaan ng makasaysayang P8.9 billion para sa ARAL Program.

Gayunpaman, walang nakalaang pondo o dedicated line item para sa programa sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).

Upang mapanatili at higit pang mapalawak ang mga nakamit na pag-unlad sa pagkatuto ng mga mag-aaral, humihiling ang DepEd ng P15.63 billion para sa pagpapatupad ng ARAL Program sa 2027. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here