PAMPANGA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang 26 anyos na lalaki na umano’y claimant ng isang parcel na naglalaman ng iligal na droga na “KETAMINE” na nagkakahalaga ng P18,725,000 sa ikinasang interdiction operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs, PNP at iba pang Law Enforcement agencies sa Port of Clark nitong Martes ng hapon, October 27, 2026.
Kinilala ng PDEA ang naarestong suspek na si alyas “Tony”, na residente ng Rodriguez, Rizal.
Sa ulat, dumating Parcel sa Port of Clark na ideneklarang “Sodium bicarbonate cleaning powder”, nitong October 10, 2026, mula sa bansang Amsterdam.
Ang Ketamine Drugs ay isa umanong “Dissociative Anesthetic” na may hallucinogenic effects, at kabilang/classified bilang dangerous drug sa ilalim ng Dangerous Drug Law (RA 9165).
Nasa kustodiya ng mga awtoridad ang naarestong suspek (claimant) na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)