Home METRO Lebel ng tubig sa Laguna de Bay, patuloy bumababa dahil sa El...

Lebel ng tubig sa Laguna de Bay, patuloy bumababa dahil sa El Niño

6
0

LAGUNA, Philippines – Patuloy na bumaba ang water level ng Laguna de Bay na naitala sa 11.99 meters nitong Miyerkules, ngunit nananatili pa rin ito sa ibaba ng critical-high threshold, ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Sa advisory ng LLDA, nasa 11.99 meters ang antas ng tubig sa lawa bandang alas-11 ng umaga, mas mababa sa 12.03 meters na naitala noong Martes.

Ayon sa ahensya, patuloy nilang minomonitor ang pagbaba ng tubig sa lawa sa gitna ng umiiral na El Niño, na nagdudulot ng mas kaunting pag-ulan at mas mataas na evaporation sa buong lake basin.

Batay sa datos ng LLDA, naitala sa 12.08 meters ang water level noong Lunes, mula sa 12.20 meters noong Oktubre 23.

Nakatakda sa 10.50 meters ang critical-low level ng lawa, habang 12.50 meters naman ang critical-high threshold. Sa kasalukuyang antas na 11.99 meters, nananatili ang Laguna de Bay sa pagitan ng dalawang threshold.

Huling bumaba sa ibaba ng critical-high threshold ang tubig noong Oktubre 8, nang umabot ito sa 12.41 meters. Bago nito, tumaas ang antas ng tubig sa 12.75 meters mula Setyembre 9 hanggang 11.

Ang Laguna de Bay ay nagsisilbing natural na imbakan ng tubig mula sa mga watershed sa Laguna at Rizal, gayundin sa ilang bahagi ng Metro Manila. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here