BULACAN, Philippines – Arestado sa operasyon ng mga awtoridad ang isang indibiduwal nang mahulihan ng P180,000.00 halaga ng unregistered baby diaper sa bayan ng Pulilan nitong umaga ng Oktubre 27.
Sa ulat, ikinasa ang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan Provincial Field Unit kasama ang representatives ng Department of Trade and Industry (DTI) at Pulilan police station bandang 11:06 ng umaga sa isang warehouse sa Brgy. Sta. Peregrina.
Ayon sa ulat, kinilala ang susoek na si alyas “Maria” na umanoy nahuli sa aktong nagbebenta ng assorted unregistered baby diapers at hindi nakasunod sa minimum labeling requirements for consumer products na atas ng DTI.
Nakumpiska sa operasyon ang nasa kabuuang 170 bundles ng assorted baby diapers may halagang P180,000.00.
Sinasabing ang mga produkto na walang proper labeling ay lubhang mapanganib gamitin ng isang sanggol o pasit.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines). (Dick Mirasol III)