PANGASINAN, Philippines – Bibigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang kanyang panig ang isang guro sa Mapandan, Pangasinan, na umano’y nagpilit sa dalawang estudyante na uminom ng soft drink na may halong laway, ayon kay Education Secretary Sonny Angara nitong Miyerkules.
Batay sa alegasyon, inutusan umano ng guro ang mga estudyante na dumura sa isang bote ng soft drink bago umano piliting uminom ang dalawa sa naturang timpla.
Nang tanungin tungkol sa insidente, sinabi ni Angara, “Parang mali ‘yun. But we’ll give him or her due process, but [there will be a] disciplinary procedure.”
Sinabi ng kalihim na hindi muna siya magbibigay ng karagdagang komento dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. Gayunman, tiniyak niyang hindi palalampasin ng Department of Education (DepEd) ang umano’y insidente at susundin ang nararapat na proseso ng pagdidisiplina. RNT/MDS