Home NATIONWIDE Voter registration para sa 2028 polls, balik sa Nob. 10 — Comelec

Voter registration para sa 2028 polls, balik sa Nob. 10 — Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Muling magbubukas ang voter registration sa Nobyembre 10 bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na tatagal ang registration period hanggang Hulyo 30, 2027.

Maaaring magparehistro ang mga hindi pa rehistradong botante, habang maaari ring magpa-transfer, magpa-reactivate o magpa-update ng impormasyon sa voter records ang mga dati nang rehistrado.

“Sa mga kababayan natin na gustong magparehistro dahil hindi sila rehistrado, magpa-revive ng registration, magpa-transfer ng kanilang registration, o kaya naman magpa-reactivate ng kanilang registration, o magpabago sa kahit anong datos doon, gawin n’yo po ’yan mula November 10,” ani Garcia.

Nauna nang sinabi ng Comelec na tinatayang 74 milyong Pilipino ang magiging eligible na bumoto sa May 2028 national and local elections.

Inaasahan din ng poll body na madaragdagan pa ng humigit-kumulang isang milyon ang eligible voters para sa November 2028 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here