Home NATIONWIDE Mga magulang binalaan vs ‘pekeng’ squishy toys

Mga magulang binalaan vs ‘pekeng’ squishy toys

1
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang toxic watchdog na BAN Toxics sa mga magulang at consumers laban sa pagbili at paggamit ng mga unauthorized squishy toys dahil sa posibleng panganib sa kalusugan ng mga bata.

Tinukoy ng grupo ang mga produktong “Squishy Delicious”, kabilang ang Blue at Green variants, na una nang binigyan ng public health advisory ng Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa BAN Toxics, walang kinakailangang Certificate of Product Notification (CPN) ang naturang mga laruan kaya hindi matitiyak ng FDA ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Nagkakahalaga umano ang mga squishy toys ng P80 hanggang P200 sa ilang retail stores at P60 hanggang P150 online.

Babala ng grupo, posibleng magkaroon ng health risks mula sa mga sangkap na hindi pinapayagan sa toys at childcare products, bukod sa panganib ng choking o suffocation mula sa maliliit o sirang bahagi.

Binanggit din ng BAN Toxics ang mga naunang product recall sa United Kingdom at United States kaugnay ng ilang squishy dumpling toys na napaulat na may mataas na konsentrasyon ng benzene.

Ayon sa UK Office for Product Safety and Standards, maaaring magdulot ang benzene exposure ng irritation sa mata, ilong at lalamunan, habang ang mataas na exposure ay maaari ring magdulot ng iba pang seryosong epekto sa kalusugan.

Sinabi rin ng World Health Organization na ang human exposure sa benzene ay naiugnay sa acute at long-term health effects, kabilang ang cancer at blood-related disorders.

Sa Pilipinas, ipinagbabawal sa ilalim ng DENR Administrative Order No. 2026-29 ang paggamit ng benzene sa toys at iba pang produktong pambata.

Nanawagan ang BAN Toxics sa mga ahensya ng gobyerno na higpitan ang enforcement at agad na alisin sa merkado ang mga produktong hindi sumusunod sa safety requirements. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here