Home METRO Barangay chairman nasulasok sa loob ng hukay sa treasure hunting, patay

Barangay chairman nasulasok sa loob ng hukay sa treasure hunting, patay

1
0

CAGAYAN – Nasawi ang isang barangay chairman matapos umano siyang ma-suffocate sa loob ng hukay habang nagsasagawa ng treasure hunting sa Barangay Dungan, San Teresita, Cagayan.

Base sa ulat na wala nang buhay ang biktima nang maiahon ng mga rescuer mula sa hukay.

Dalawa naman sa kanyang mga kasama ang nakaligtas, kabilang ang kanyang ama na nakalabas na rin ng ospital.

Nagtulong-tulong sa rescue operation ang mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Maritime Battalion at iba pang responders upang maiahon ang mga biktima.

Hindi pa malinaw sa ulat kung gaano kalalim ang hukay at kung ano ang eksaktong dahilan ng kakulangan ng hangin sa loob nito.

Sinisikap pa ring makuha ang pahayag ng pamilya ng mga biktima hinggil sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here