Home METRO LGUs, pinaglalagay ng libreng hydration stations, cooling centers vs El Niño

LGUs, pinaglalagay ng libreng hydration stations, cooling centers vs El Niño

2
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni Sen. Risa Hontiveros ang mga lokal na pamahalaan na maglagay ng libreng drinking water stations at cooling centers bilang paghahanda sa posibleng matinding epekto ng El Niño.

Ayon kay Hontiveros, dapat makipagtulungan ang LGUs sa national government upang magkaroon ng libreng malinis na inuming tubig sa mga lugar kung saan maraming tao ang nagtatrabaho at nagtitipon araw-araw.

Layunin nitong makatulong na maiwasan ang dehydration, heat stroke at iba pang sakit na dulot ng matinding init.

Giit ng senador, hindi sapat ang simpleng pagmomonitor at pag-uulat ng heat index kung walang agarang hakbang upang matiyak na may access ang publiko sa malinis na inuming tubig.

Iminungkahi rin niya na gawing cooling shelters ang ilang pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, libraries, museums at community centers kapag matindi ang init.

Maaari rin umanong maglaan ang malls at iba pang pribadong establisimyento ng air-conditioned common areas kung saan maaaring magpalamig at magpahinga ang publiko nang hindi kinakailangang bumili.

Ayon kay Hontiveros, kailangang maghanda ang parehong gobyerno at pribadong sektor sa inaasahang epekto ng posibleng malakas na El Niño.

Kabilang ang mga naturang hakbang sa mga agarang solusyong maaaring ipatupad upang mabawasan ang epekto ng matinding init sa publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here