Home METRO Tattoo artist timbog sa buy-bust, P408K shabu nasamsam

Tattoo artist timbog sa buy-bust, P408K shabu nasamsam

1
0

PANGASINAN – Arestado ang isang 30-anyos na tattoo artist na itinuturing ng pulisya na high-value individual matapos ang buy-bust operation sa San Carlos City nitong madaling-araw ng Huwebes, Oktubre 29.

Ayon sa San Carlos City Police Station, residente ng lungsod ang suspek.

Bandang alas-1:40 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon na tumagal nang halos isang oras.

Nakarekober umano ang mga awtoridad ng tatlong transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 60 gramo.

Tinatayang nasa P408,000 ang halaga ng nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga.

Narekober din bilang non-drug evidence ang isang P500 bill na ginamit bilang buy-bust money at 12 pirasong photocopied P1,000 bills na ginamit bilang boodle money.

Isinagawa ang inventory at marking ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng suspek at mga mandatory witness.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga tauhan ng PPDEU-Pangasinan PPO bilang lead unit, katuwang ang PIU-Pangasinan PPO, RPDEU-PRO1, PDEG SOU1 at San Carlos CPS, sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 1. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here