Home METRO Tricycle driver sumuko matapos saksakin kapwa driver sa Kyusi

Tricycle driver sumuko matapos saksakin kapwa driver sa Kyusi

3
0

QUEZON CITY, Philippines – Sumuko sa pulisya ang isang 41-anyos na tricycle driver matapos saksakin at mapatay ang kapwa niya driver dahil umano sa alitan tungkol sa isang babae noong Martes, Oktubre 27.

Ayon sa pulisya, inatake ng suspek na kinilalang si Manuel ang biktima gamit ang ice pick sa harap ng isang pawnshop sa Gloria 2, Barangay Tandang Sora, dakong alas-7 ng umaga.

Nagtamo ang biktima ng maraming saksak sa dibdib at tiyan. Isinugod siya sa Quezon City General Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon, kapwa umano romantikong karelasyon ng dalawang driver ang isang babae, na naging dahilan ng kanilang pagtatalo at nauwi sa pananaksak.

Ilang minuto matapos ang insidente, nilapitan ni Manuel ang mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS 3) ng Quezon City Police District, inamin ang pananaksak at sumuko sa mga awtoridad.

Narekober ng pulisya ang isang ice pick na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.

Nahaharap ngayon si Manuel sa kasong homicide na isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here