Home METRO Bagong crematory, internment building sa Malabon, pinasinayaan

Bagong crematory, internment building sa Malabon, pinasinayaan

3
0

MALABON CITY, Philippines – Pinangunahan nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, First Gentleman Cong. Ricky Sandoval, City Administrator Dr. Alexander Rosete, at iba pang mga opisyal ang inagurasyon ng bagong Crematory and Interment Building ng lungsod sa Tugatog Public Cemetery, na matatagpuan sa Lascano Street sa Barangay Tugatog.

Ang proyektong ito ay bahagi ng paghahanda ng lungsod para sa Undas 2026, at nagbibigay sa mga pamilyang Malabueño ng karagdagang pasilidad para sa mga serbisyong funeral, cremation at interment services.

Ang seremonya ng inagurasyon ay sinimulan sa pamamagitan ng isang Banal na Misa bilang paghahanda para sa Undas 2026, na sinundan ng pagbabasbas sa 55 urn na naglalaman ng mga labi ng mga yumao.

Dalawampu sa mga labing ito ay dumaan sa proseso ng kremasyon sa ilalim ng libreng programa ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon.

Dumalo ang mga kapamilya sa seremonya upang mag-alay ng panalangin at gunitain ang alaala ng kanilang mga mahal sa buhay, bilang paghahanda para sa All Saints’ Day at All Souls’ Day. JOJO RABULAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here