Home METRO Kelot binurdahan ng saksak ng katrabahong pinigilan sa pakikipagtalo

Kelot binurdahan ng saksak ng katrabahong pinigilan sa pakikipagtalo

1
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Nasa ospital ngayon at nagpapagaling ang isang 47-anyos  na lalaki matapos na pagsasaksakin nang tangkain nitong awatin at pakalmahin ang isa niyang  katrabaho na nakikipagtalo sa Laoag City ng lalawigang ito nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 29.

Ayon sa Laoag CPS, ang biktima ay residente ng Banna, Ilocos Norte samantalang ang suspek ay residente ng Nueva Era, Ilocos Norte. Parehong construction worker ang biktima at ang suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang nagtatalo  ang suspek at ang tatay niya ay tinangka silang awatin ng biktima.

Sinubukan din ng biktima na pakalmahin ang suspek.

Pagkalipas ng ilang sandali, habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng kanilang barracks ay nilapitan siya ng suspek at kinausap.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay bumunot ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak nito ang biktima.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang anak at sa mga iba pa nilang kasamahan sa trabaho.

Isinugod sa Provincial Hospital ang biktima na nagtamo ng apat na stab wounds.

Arestado naman ang suspek at nakuha mula sa possession nito ang isang  kutsilyo na 11 pulgada ang haba kasama ang handle. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here