Home METRO Grade 12 stude, 1 pa, inaresto sa kasong panggagahasa

Grade 12 stude, 1 pa, inaresto sa kasong panggagahasa

3
0

VALENZUELA CITY, Philippines – Swak sa hoyo ang dalawang indibidwal kabilang ang 19-anyos na grade 12 student matapos arestuhin ng pulisya dahil sa kasong panggagahasa sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang operation laban sa akusado na residente ng Brgy., Malinta at nakatala bilang No. 3 Top Most Wanted sa NPD.

Alas-4 ng hapon nang tuluyang masukol ng pinagsamang mga operatiba ng Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS), Regional Intelligence Unit–National Capital Region (RIU-NCR) at iba pang Intelligence units ang akusado sa Brgy. Malinta.

Inaresto siya sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 270, noong October 15, 2026 para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.

Pasado alas-5:10 ng hapon nang makorner naman ng isa pang team ng WSS ng Valenzuela Police, katuwang ang RIU-NCR ang 20-anyos na akusado sa apat na bilang ng kasong Statutory Rape sa Brgy., Coloong.

Hindi na nakapalag ang akusado nang bitbitin ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa apat na bilang ng kasong Statutory Rape na inisyu ng RTC Branch 16, Valenzuela City, noong September 25, 2026, na walang inilaang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Kapwa pansamantalang nakapiit ang mga akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanila sa Valenzuela City Jail. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here