Home METRO Noturyos ‘bembangero’ dinakma ng mga parak sa Bulacan

Noturyos ‘bembangero’ dinakma ng mga parak sa Bulacan

4
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang lalaking kabilang sa  City Level Most Persons matapos isilbi ang Order to take Custody sa pamamagitan ng joint operation ng mga awtoridad sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) nitong hapon ng Oktubre 30.

Sa ulat ni PLTCOL Nelson Sardin, hepe ng Hepe ng SJDM police station, kinilala ang akusado na isang 18 anyos.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng istasyon katuwang ang 301st Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 3, bandang 4:37 ng hapon sa Brgy. Poblacion 1.

Nabatid na ang akusado ay nahaharap sa pitong bilang ng Statutory Rape, kabilang ang apat na bilang ng Statutory Rape by Carnal Knowledge na walang inirekomendang piyansa at tatlong bilang ng Statutory Rape by Sexual Assault na may piyansang P200,000.00 alinsunod sa kautusang inilabas ng Regional Trial Court  Branch 5-FC, SJDM noong Oktubre 22, 2026.

Dinala ang akusado sa istasyon para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang kustodiya bago ang pagsasauli sa korte na naglabas ng kautusan.

Binigyang-diin ni PCOL Jay Baybayan Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, patuloy paiigtingin ng kanilang hanay ang operasyon laban sa mga wanted persons na may kinahaharap na kaso na ay mananagot sa batas. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here