Home NATIONWIDE PNP: Wala pang nakukumpiskang baril, patalim sa Manila North Cemetery

PNP: Wala pang nakukumpiskang baril, patalim sa Manila North Cemetery

3
0

MANILA, Philippines – Walang nakumpiskang ilegal na gamit tulad ng baril at kutsilyo sa Manila North Cemetery sa bisperas ng Undas, ayon sa pulisya.

Iniugnay ni Police Maj. Philipp Ines, hepe ng public information office ng Manila Police District, ang resulta sa epektibong pagpapalaganap ng impormasyon ng mga awtoridad tungkol sa mga ipinagbabawal na dalhin sa sementeryo.

“As of now, we have not confiscated anything like that [illegal],” ani Ines sa isang panayam.

“It only proves that our information dissemination has become effective,” aniya. “We confiscated items that are not illegal per se. For example – perfumes, cleaning items.”

Ayon kay Ines, ibinabalik sa mga may-ari ang mga ipinagbabawal na gamit bago sila lumabas ng sementeryo. Binibigyan ang mga ito ng claim stub kapag isinuko ang kanilang mga gamit upang makuha muli ang mga ito sa paglabas.

Kabilang sa mga bawal dalhin ang baril, matutulis na bagay gaya ng kutsilyo, mga inuming nakalalasing, at mga madaling magliyab na produkto tulad ng alkohol at thinner.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng gitara, sound system, mga gamit sa sugal at alagang hayop gaya ng pusa at aso.

Pagsapit ng alas-10 ng umaga, tinatayang 8,900 na ang bilang ng mga dumalaw sa sementeryo. Nasa 300 pulis naman ang itinalaga upang magbantay at tiyakin ang seguridad sa lugar.

Sinabi ni Ines na umabot sa 1.7 milyon ang mga bumisita sa Manila North Cemetery noong Nobyembre 1 noong nakaraang taon.

Sa pangkalahatan, mapayapa naman ang sitwasyon sa sementeryo, ayon sa opisyal. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here